Abenida Bonny Serrano (Bonny Serrano Avenue) | |
---|---|
Daang Santolan (Santolan Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan | |
Haba | 4.42 km[1] (2.75 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye P. Guevarra / Kalye Pinaglabanan sa San Juan |
Dulo sa silangan | N11 (Abenida Eulogio Rodriguez Jr.) / Daang FVR sa Marikina |
Lokasyon | |
Mga lawlawigan | Kalakhang Maynila |
Mga pangunahing lungsod | Lungsod Quezon at San Juan |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Koronel Bonny Serrano (Ingles: Colonel Bonny Serrano Avenue), na mas-kilala bilang Abenida Bonny Serrano (Ingles: Bonny Serrano Avenue), ay isang pangunahing lansangan mula silangan pa-kanluran sa Distrito ng Silangang Maynila ng Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan sa pagitan ng Lungsod ng San Juan at Lungsod Quezon. Apat ang mga linya nito at ang haba nito ay 4.42 kilometro (2.75 milya). Bumubuo ito sa hilagang hangganan ng San Juan at katimugang hangganan ng New Manila at Cubao ng Lungsod Quezon at nag-uugnay ng himpilan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) sa Kampo Crame sa himpilan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo. Dumadaan ang abenida mula sa hangganan ng mga barangay ng Corazon de Jesus, St. Joseph, at Little Baguio sa San Juan sa kanluran hanggang sa mga nayon ng Libis at Blue Ridge B sa Lungsod Quezon, malapit sa hangganan nito sa Marikina, sa silangan.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)